Biyernes, Setyembre 23, 2011

CLCV

The minute you think of giving up, think of the reason why you held on so long..
Masakit talaga iwan ng taong mahal mo. Yung handa mo talaga isakripisyo lahat para sakanya. Yung gagawin mo tlaga lahat wag lang sya mawala.. pero my mga bagay pala talaga na mas kailangan tanggapin sa huli..
Para sa katulad kong babae, mahirap maghintay lalu na kung hindi ka na sigurado kung may inaantay ka pa ba, O talagang umaasa ka na lang.. 


lambert ang kanyang pangalan, August 9, 2011 nung sinabi nya sakin mahal nya ko. Ang pinaka masayang pangyayari sakin :) Aug. 5 kami unang nagkita.. At sunod sunod na ang mga araw na lagi kami nagkikita. Though, sa Manila ako nag aaral at sa Bulacan sya.. Palagi pa din kami nagkikita. Oo, mahirap sakin yung madalas umuwe ng bulacan. Pero worth it naman yun lahat. Masasabi kong, buong month ng august ay punong puno ako ng pagmamahal. Sa buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pagmamahal. Takot ako sa kanya. Oo, Kasi ayoko syang mawala. He promised me, hindi nya ako iiwan. Sabi nya habambuhay..

August 13, 2011 Saturday.
Lambert: kilala mo ba si doko? (Text nya sakin)
Ako: hindi eh. Bakit? Sino ba yun?
Lambert: yung monster na kulay brown.
Ako: HAHAHA! DOMO yun! hndi doko! XD
Lambert: Ah. Nacucute'an kba dun?
Ako: Oo naman. Di mo pla alam na fav. ko yun. bkt mo ntanung?
lambert: Wala lang..

Ausgust 14, 2011 Sunday, 6am nang pumunta si lambert sa bahay at binigyan nya ako na domo na bag! :) Sobrang saya ko! Ang pinaka importanteng bagay na natanggap ko sa buong buhay ko. Ang weird noh, pero totoo :)
Palagi ako masaya tuwing kasama ko sya. Sinusulit ko bawat segundo na kami magkasama. Kase alam ko naman sa sarili kong walang permanente sa mundo. Hindi mo mapipigilan ang desisyon kung talagang ito ang gusto nya, kaya hangga't anjan pa sya sa tabi mo, wala kang ibang pwedeng gawin kundi, sulitin lang ito, makuntento at higit sa lahat, maging masaya. :) 
August 31, 2011 ang 100days namin, :) Akala ko magiging masaya ako nun. Pero yun na ang umpisa ng sobra kong pagkalungkot.. Kailangan na nya akong iwan. :(
September 4, 2011 7:40pm nang nagpunta sya sa bahay. Last hug. T.T
Simula nun.. Hindi na ako naging masaya pa tulad ng dati na sobrang saya ko pag nanjan sya.. Oo, napapasaya ako ng mga kaibigan ko. Pero hndi na ako maging masaya pa katulad ng dati..
Mahal na mahal ko si lambert, nangako ako sakanya na aantayin ko sya ng isang taon. Inaantay ko sya at wala ako balak mag ka BF o kahit M.U. Sa ngayon, inaaliw ko lang muna ang sarili ko. 

Kahit walang kasiguraduhan kung maibabalik ba sa dati ang dating kami kung aantayin ko sya, wala akong pakialam! Mahal ko sya e. Kahit sobra sobra na ang sakit.


Kahit kailan, hindi ka nawala sa isip ko.. mahal na mahal kita.